Past, Present, Future
Miyerkules, Mayo 6, 2015
Bakit?
Martes, Mayo 5, 2015
PROMISES
Biyernes, Abril 24, 2015
Kilala mo ba ko ?
Ang daming tanong sa isip. Bawat oras ay hindi mapakali at pilit ng hahanap ng kasagutan. Sa mga oras na ito akoy litong lito. Naghahanap ng sagot bawat tao. Naguguluhan kung ano ang nangyayari sa paligid ko. Hindi mawari kung ano ang dapat solusyunan sa sobrang daming problema. Ngunit habang ako'y nag-iisip ng mga kasagutan ay tila may bumulong sa akin at tinanong "kilala mo na ako?". Tumingin ako sa paligid at wala akong nakita ni isang tao kaya nagtaka ako. Muli siyang bumulong at sinabing "hindi mo kailangang maguluhan sa mga bagay bagay at ito ay naayon sa aking plano". Sa huling salita na iyon ay napagtanto ko na ang Panginoon ang nagsasalita. Tama nga siya hidi natin kailangang maguluhan. Minsan kasi sa sobrang pag-iisip natin nakakalimutan na natin ang Panginoon at nakakalimutan na natin na mayroon siya tamang plano para sa atin. wag lang tayong magmadali at mangyayari ang magandang bagay na gawa ng Panginoong Maykapal.
TIWALA

TIWALA. eto yun binibigay mo sa isang tao na mahalaga sayo.
Sabi nila once na nasira mo ang tiwala ng isamg tao, mahirap na itong ibalik or worst baka hindi mo na maibalik pa. Isa sa pinakamahirap mawala ang tiwala sayo e ang sa mga magulang mo, na kahi na anong bagay ang gawin mo, na kahit na anong sabi mo ng totoo once na nasira na yung tiwala nila, aminin man nila o hindi pero hindi na buo yung trust sayo. Nang dahil sa isang pagkakamali maaring magbago ang lahat. Kahit anong pilit mong ibalik, hindi na maibabalik pa. May isang Quotation nga na sabi " TRUST is like a paper once it's crumpled, it can't be perfect again. " Kaya hangga't kaya niyo pahalagahan niyo ang tiwala na binibigay sainyo ng mga taong mahal niyo.
Miyerkules, Abril 22, 2015
YOU
Simula na makilala kita
Araw araw ay gusto kang makita
Dahil lagi akong sumasaya
Kapag ikaw ay nandyan na.
Tuwing ako'y iyong kinakausap
Hindi ko maintindihan ang iyong pangungusap
Dahil ako'y nangangarap
Tungkol sa ating hinaharap.
Alam ko minsan ikaw ay nagtataka
Kung bakit gusto kang makasama
Pero ano ang aking magagawa
Kung sayo'y ako ay nahuhulog na.
Sana ako'y bigyan mo ng pagkakataon
Na ipakita sayo na pag-ibig ko'y hindi maglalaon
Kahit dumaan man ang maraming taon
Pag-ibig ko'y hinding hindi ko ibabaon.
Mamahalin ka ng walang hanggan
Hinding hindi lilisan
Kahit na ako'y iyong iwan
Maghihintay sayo kahit pangmatagalan.
Mamahalin ka ng walang hanggan
Hinding hindi lilisan
Kahit na ako'y iyong iwan
Maghihintay sayo kahit pangmatagalan.
Martes, Abril 21, 2015
LIHIM
Mayroon akong sasabihin
Sana ay iyong dinggin
Ito ay mula sa aking damdamin
Wag mo sanang dedmahin.
Kailangan mo kaya mapapansin
Ang tibok ng damdamin
Ito ay aking lihim
Na matagal nang kinikimkim.
Sana dumating ang araw na ako'y na ang iyong mamahalin
Ito ay aking dinadalangin
Pangako ikaw ay aking iibigin
At hinding hindi ka papaiyakin.
Sa oras na ito ay gusto kong sabihin
Na ikaw na ang laman ng puso at isipan
Pero ako'y natatakot na baliwalain
Kaya ako'y di alam ang gagawin.
Isa Lang naman ang aking gusto kong sabihin
MAHAL kita, yan ang aking LIHIM.
Martes, Abril 14, 2015
MY ONE AND ONLY YOU
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)

.jpg)

.jpg)
