Biyernes, Abril 24, 2015

Kilala mo ba ko ?





Ang daming tanong sa isip. Bawat oras ay hindi mapakali at pilit ng hahanap ng kasagutan. Sa mga oras na ito akoy litong lito. Naghahanap ng sagot bawat tao. Naguguluhan kung ano ang nangyayari sa paligid ko. Hindi mawari kung ano ang dapat solusyunan sa sobrang daming problema. Ngunit habang ako'y nag-iisip ng mga kasagutan ay tila may bumulong sa akin at tinanong "kilala mo na ako?". Tumingin ako sa paligid at wala akong nakita ni isang tao kaya nagtaka ako. Muli siyang bumulong at sinabing "hindi mo kailangang maguluhan sa mga bagay bagay at ito ay naayon sa aking plano". Sa huling salita na iyon ay napagtanto ko na ang Panginoon ang nagsasalita. Tama nga siya hidi natin kailangang maguluhan. Minsan kasi sa sobrang pag-iisip natin nakakalimutan na natin ang Panginoon at nakakalimutan na natin na mayroon siya tamang plano para sa atin. wag lang tayong magmadali at mangyayari ang magandang bagay na gawa ng Panginoong Maykapal.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento