Miyerkules, Abril 22, 2015

YOU







Simula na makilala kita
Araw araw ay gusto kang makita
Dahil lagi akong sumasaya
Kapag ikaw ay nandyan na.

Tuwing ako'y iyong kinakausap
Hindi ko maintindihan ang iyong pangungusap
Dahil ako'y nangangarap
Tungkol sa ating hinaharap.

Alam ko minsan ikaw ay nagtataka
Kung bakit gusto kang makasama
Pero ano ang aking magagawa
Kung sayo'y ako ay nahuhulog na.

Sana ako'y bigyan mo ng pagkakataon
Na ipakita sayo na pag-ibig ko'y hindi maglalaon
Kahit dumaan man ang maraming taon
Pag-ibig ko'y hinding hindi ko ibabaon.

Mamahalin ka ng walang hanggan
Hinding hindi lilisan
Kahit na ako'y iyong iwan
Maghihintay sayo kahit pangmatagalan.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento