Mayroon akong sasabihin
Sana ay iyong dinggin
Ito ay mula sa aking damdamin
Wag mo sanang dedmahin.
Kailangan mo kaya mapapansin
Ang tibok ng damdamin
Ito ay aking lihim
Na matagal nang kinikimkim.
Sana dumating ang araw na ako'y na ang iyong mamahalin
Ito ay aking dinadalangin
Pangako ikaw ay aking iibigin
At hinding hindi ka papaiyakin.
Sa oras na ito ay gusto kong sabihin
Na ikaw na ang laman ng puso at isipan
Pero ako'y natatakot na baliwalain
Kaya ako'y di alam ang gagawin.
Isa Lang naman ang aking gusto kong sabihin
MAHAL kita, yan ang aking LIHIM.
.jpg)
Kwento mo sa TURTLE :)
TumugonBurahinMakikinig sya sayo :)