MY ONE AND ONLY YOU
Ang pag-ibig ko sayo ay parang isa sa lyrics ng kanta na " I take one step away but I find myself coming back to you. " na kahit ano ang gawin ko, na kahit na sumuko ako, kahit na lumayo ako at kahit pilit kitang alisin sa puso ko pero sa isang iglap lamang makikita ko na lang ang sarili ko na minamahal pa rin kita kahit na sobra na kong nasasaktan. Bakit kaya ganon ang buhay kapag sobrang mahal na mahal mo na ang isang tao saka ka iiwanan ng wala man lang pasabi. Bakit kailangan pang makilala ang mga taong wala namang isang salita. Bakit may mga taong madaling kalimutan ang lahat. Pero sabi nga nila, hindi ka tunay na nagmamahal kapag hindi ka nasaktan. At hindi mo mahahanap ang tunay mong kaligayahan kapag hindi mo bibitawan ang mga bagay na dahilan kung bakit ka nasasaktan. Kaya sa ngayon ang tamang gawin na lang ay ang mga bagay na makakapagpasaya at wag na lang isipin ang mga bagay na ikaw lang naman ang pumoproblema.
aba matinde hahahahahaha hugot pa more :D :p
TumugonBurahin#MOVEON
Eh talagang ganyan ang buhay brad :( kung gusto mo sumaya COKE nalang mhalin mo "HAPPINESS"
TumugonBurahinhindi talaga maiiwasan ang masaktan.
TumugonBurahin